Buwan ng Wika 2011 PDF Print E-mail
Monday, 29 August 2011 14:38

By CESAR A. BERNARDO

Ang buwan ng Agosto ang itinakda ng batas Proklamasyon Blg. 1041 s. 1997 na iniatas ng dating Pangulong Fidel V. Ramos sa bawat taon ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika sa buong kapuluan ng bansang Pilipinas.

Ang layunin ng batas ay magkaroon ng isang wikang pambansa na magiging sagisag ng lahi na katulad ng bandila na sagisag ng bawat bansa.
Ang wlka ang magiging daan upang ang mga Pillpino ay magkaisa at madaling magkaunawaan sa mga sigalot sapagkat ito ay mahalagang kasangkapan na komunikasyon tungo sa kapayapaan at sa maunlad na buhay.

Ang Pilipinas ay nahahati sa maraming isla na may mga tribu na may kanya kanyang diyalekto at kung walang isang pambansang wika, ito ay mag-dudulot ng hindi pagkakaunawaan sa bawat isa. Isipin na lang natin kung ang bawat Pilipino ay magsasalita sa kanya kanyang diyalekto, ano ang ang magiging kahitnatnatan ng kanllang paguusap? Walang pagkakaunawaan.

Sa kasalukuyan ang bansa ay nahaharap sa matinding pagsubok ang wikang pambansa dahil sa hindi lahat ng Pilipino ay marunong magsalita ng Tagalog bagkus wikang banyaga ang kanilang alam at katutubong diyalekto.

Napaulat sa isang pahayagan na mayroon isang mambabatas na hindi marunong magsalita ng wikang pambansa. Mayroon din naulat na may isang mambabatas na Tagalog lang ang kanyang gagamitin sa pagsasalita sa kongres at paggawa ng batas.

Sino sa kanila ang tunay na Pilipino? Pareho, isa ayaw umamin.
Sinabi ni Gat Jose Rizal, pambansang bayani, “ang hindi marunong magmahal sa sariling wika ay masahol pa sa malansang isda”.

Isang retlradong hukom ang sumulat ng kanyang desisyon sa korte sa wikang pambansa, si Hukom Andres Amante. Kahanga hanga dahil sa bihira ang gumagawa nito dahil sa mahlrap gawin.

Masakit tanggapin na marami sa Pilipino ang hindi maisaulo ang Panatang Makabayan at Lupang Hinirang, ang pambansang awit gayon ito ay binibigkas at inaawit sa paaralan mula elementarya, segundaryo maging sa kolehiyo at mga tanggapan ng pamahalaan.

Talagang matigas ang ulo! Wika ng iba wala namang malambot.

Ang Wikang Pambansa ay dapat pahalagahan at mahalin ng bawat Piliino, unawain, tangkllikin, llnangin, payabongin, pasiglahin, paunlarin at gamitin sa makabuluhang pag-uusap lalong lalo na sa kongreso.

Isaulo at isapuso ang Lupang Hinirang at awitin sa tamang himlg at huwag kalilimutan ang Panatang Makabayan para maging tunay na Pilipino.
Mahirap bang gawin? Ang mga banyaga nagagawa, ikaw pa!

Isang bansa, isang lahi, isang wika at isang diwa ang gitaguyod nating Pilipino tungo sa kapayapaan at kaunlaran ng bansa.
Yan lang!